Sarili’y di maintindihan..
October 16, 2009Sino nga ba ako para magreklamo?
Sa kahirapang natatamo ko
Isang nilalang lamang mula sa abo
Ngunit mga pangyayari sa sarili’y di mapagtanto
Sarili’y di maintindihan
Lalo na ang nararamdaman
Puso’y di mapagbigyan
Sapagkat natatakot na masaktan
Talento’t kaalaman ay sapat na
Ngunit may ibang bagay na sadyang di maintindihan pa
Pang-iinsulto at panlalait ay natikman na
Dahilan sa pisikal na anyong sa aki’y nakikita
Maraming pagsubok ang dumating na
Ngunit isa ma’y walang nagpatumba
Tanging Diyos na may likha
Ang gabay ko sa twina
Hanggang ngayo’y nagtatanong
Anong buhay ang kasasapitan
Ang tanging alam ko lamang
May Diyos akong kinikilala at sasambahin
magpakailanpaman
Siya ang aking gabay..
Kapatagan, kagubatan, kalawakan at karagatan
Tanging ikaw ang may lalang
Tao, hayop at mga halaman
Iyong nilikha sa isang iglap lamang
O Ikaw ang kinikilalang Ama ng sanlibutan
Sapagkat kami’y iyong inaalagaan
Hindi hinahayaang kami’y mahirapan
Tanging pinaparamdam ay kaginhawaan
Ngunit mga tao’y sadyang makasalanan
Sinuway mga utos mo nang walang pag-aalinlangan
Kung kaya’t ngayo’y nahihirapan
Sa mga unos ng buhay na pinaparamdam
Mga tao nawa’y matauhan
Kapamilya, kapuso, kabarkada o maging sino ka man
Bata, matanda, babae, lalaki o maging ano ka man
Tayo’y magbago, magsisi at magtulungan
Sa mga oras ng kapighatian
Upang ang maylikha ay masiyahan
Sapagkat tayo’y nagmamahalan
Nalilito…nalilito…
Nalilito kung bakit ako nagkakaganito
Dati nama’y walang nadamang pagkalito
Nasanay na sa relasyong malayo sa isa’t isa
Ngunit nang ika’y makilala
Puso’t isip ko’y hindi na mabahala
Ang gusto lagi’y kasam’t kayakap ka
Nagseselos kapag nalamang may kasama kang iba
Nagagalit kapag may ibang pangalang binabanggit ka
Nalulumbay kapag boses mo’y hindi marinig
Naiiyak kapag maalala mga sandali nating kay saya
Tinuruan mo ang pusong magmahal
Kung kaya’t ako ngayo’y nahihirapan
Sapagkat malayo ka, O aking mahal
Gayunpaman, pag-ibig mo’y nararamdaman
Kahit pa na tayo’y hindi magkasama, O aking mahal
Nalilito..nalilito..ang puso ko
Kung bakit ganito
ang nararamdaman ng pusong dati’y bato
Pangarap ka sa twina
gusto ka nang makasama
O bakit nga ba nagkakaganito
Siguro nga’y mahal ka nang talaga ng puso kong ito…



